Pamumuhay nang May Hepatitis B 

Gagaling ba ako mula sa hepatitis B na impeksyon?
Karamihan sa mga malulusog na nasa hustong gulang na bagong nahawa ay gagaling nang walang anumang problema. Ngunit ang mga sanggol at bata ay maaaring hindi matagumpay na malabanan ang virus.

Mga Nasa Hustong Gulang – 90% ng mga malulusog na nasa wastong gulang ay malalabanan ang virus at gagaling nang walang anumang problema. 10% ay magkakaron ng talamak na hepatitis B.

Mga Bata – Hanggang 50% ng mga bata sa pagitan ng 1 at 5 taong gulang na nahawa ay magkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon.

Mga Sanggol – 90% ay magkakaroon ng talamak na impeksyon; 10% lamang ang malalabanan ang virus.


Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang “malubha” at isang “talamak” na hepatitis B na impeksyon?
Ang hepatitis B na impeksyon ay itinuturing na “malubha” sa unang 6 na buwan pagkatapos malantad sa virus. Ito ang katampatang haba ng panahon na kinakailangan upang gumaling mula sa hepatitis B na impeksyon.

Kung masuri ka pa ring positibo sa hepatitis B na virus (HBsAg+) pagkatapos ng 6 na buwan, ikaw ay itinuturing na mayroong “talamak” na hepatitis B na impeksyon, na maaaring tumagal habang buhay.


Magkakasakit ba ako kung mayroon akong malubhang hepatitis B?
Itinuturing na “tahimik na impeksyon” ang hepatitis B dahil hindi ito nagsasanhi ng anumang mga sintomas. Malusog ang parkiramdam ng karamihan sa mga tao at hindi nila alam na sila ay nahawa, na nangangahulugan na hindi nila alam na maaaring maipasa ang virus sa iba. Ang ibang tao ay may banayad na mga sintomas tulad ng lagnat, pagkapagod, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, o pagkawala ng gana sa pagkain na maaaring mapagkamalan na trangkaso.

Kabilang sa hindi pangkaraniwan ngunit mas malubhang mga sintomas ay malubhang pagduduwal at pagsusuka, naninilaw na mga mata at balat (tinatawag na “jaundice”), at namamagang tiyan – ang mga sintomas na ito ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon at ang tao ay maaaring kailangang ipa-ospital.


Paano ko malalaman na ako ay gumaling mula sa “malubhang” hepatitis B na impeksyon?
Kapag nakumpirma ng iyong doktor sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo na nalabanan mo ang virus mula sa iyong katawan at bumuo ng nagpoprotektang antibody (HbsAb+), protektado ka mula sa anumang hepatitis B na impeksyon sa hinaharap at hindi na nakakahawa sa iba.


Ano ang dapat kong gawin kapag ako ay nasuri na may talamak na hepatitis B?
Kung nasuri kang positibo para sa hepatitis B na virus nang mas matagal sa 6 na buwan, nagpapahiwatig ito na ikaw ay may talamak na hepatitis B na impeksyon. Kailangang magpatingin sa isang hepatologist (espesyalista sa atay), gastroenterologist, o doktor ng pamilya na pamilyar sa hepatitis B. Magpapagawa ang doktor ng mga pasusuri sa dugo at posibleng isang ultrasound ng atay upang tasahin kung gaano ka-aktibo ang hepatitis B na virus sa iyong katawan, at upang subaybayan ang kalusugan ng iyong atay. Maaaring gusto kang makita ng iyong doktor nang hindi bababa sa isa o dalawang beses kada taon upang subaybayan ang iyong hepatitis B at tukuyin kung makikinabang ka mula sa paggagamot.

Lahat ng mga taong may talamak na impeksyon ay dapat tingnan ng kanilang doktor nang hindi bababa sa isang beses kada taon (o mas madalas) para sa regular na medikal na follow-up na pangangalaga, magsisimula man sila ng paggagamot o hindi. Kahit na ang virus ay nasa hindi gaanong aktibong yugto na may kaunti o walang pinsalang naidudulot, maaari itong magbago kinalaunan, kung kaya’t napakahalaga ang regular na pagsubaybay.

Karamihan sa mga taong may talamak na impeksyon sa hepatitis B ay makakaasa na mabubuhay nang matagal at may malusog na buhay. Kapag ikaw ay nasuri na may talamak na hepatitis B, maaaring manatili ang virus sa iyong dugo at atay habang buhay. Mahalagang malaman na maaari mong maipasa ang virus sa iba, kahit na pakiramdam mo ay wala kang sakit. Kung kaya’t mahalaga na siguruhin mo na lahat ng mga malalapit na kontak sa sambahayan at mga katalik ay nabakunahan laban sa hepatitis B.

Anong mga pagsusuri ang gagamitin upang subaybayan ang aking hepatitis B?
Kabilang sa pangkaraniwang mga pagsusuri na ginagamit ng mga doktor upang subaybayan ang iyong hepatitis B ay ang grupo ng mga pagsusuri ng dugo para sa hepatitis B, mga pagsusuri sa paggana ng atay (ALT, AST), hepatitis B e-Antigen (HBeAg), hepatitis B e-Antibody (HBeAb), pagtiyak ng dami ng hepatitis B DNA (dami ng virus), at ang pag-aaral ng imahe ng atay (ultrasound, FibroScan [Transient Elastography] o CT scan).


Mayroon bang lunas para sa talamak na hepatitis B?
Sa ngayon, walang lunas para sa talamak na hepatitis B, ngunit ang magandang balita ay may mga panggamot na maaaring pabagalin ang pagsulong ng sakit sa atay sa mga taong may talamak na impeksyon sa pamamagitan ng pagpapabagal sa virus. Kung mas kaunting hepatitis B na virus ang nagagawa, samakatuwid ay mas kaunti ang pinsala na ginagawa sa atay. Minsan ang mga gamot na ito ay nakakapuksa pa ng virus, bagama’t ito ay hindi pangkaraniwan.

Sa lahat ng bagong kapanapanabik na pananaliksik, mayroong malaking pag-asa na matutuklasan ang lunas para sa talamak na hepatitis B sa malapit na hinaharap. Bumisita sa aming Drug Watch para sa listahan ng iba pang maaasahang mga gamot na binubuo.


Mayroon bang anumang aprubadong mga gamot upang gamutin ang talamak na hepatitis B?
Nabibilang sa dalawang kategorya ang mga kasalukuyang panggamot para sa hepatitis B, mga panlaban sa virus at immune modulators:

Mga Gamot na Panlaban sa Virus - Ang mga gamot na ito ay nagpapabagal o pumipigil sa hepatitis na virus, na nagpapabawas ng pamamaga at pinsala sa atay. Ang mga ito ay iniinom na pildoras isang beses kada araw nang hindi bababa sa 1 taon, kadalasan mas matagal. Mayroong 6 na mga panlaban sa virus na aprubado ng FDA, ngunit tatlo lamang na unang-linya na mga panlaban sa virus ang inirerekomendang paggamot: tenofovir disoproxil (Viread/TDF), tenofovir alafenamide (Vemlidy/TAF) at Entecavir (Baraclude). Ang unang-linya na mga panlaban ng virus ay inirerekomenda dahil sila ay mas ligtas at mas epektibo. Mayroon din silang mas mabuting klase ng resistensya kaysa sa mga mas lumang panlaban ng virus, na nangangahulugan na kung iniinom sila ayon sa inireseta, mayroong mas mababang pagkakataon ng mutasyon at resistensya. Mas mahirap gamutin at pangasiwaan ang virus na nakabuo ng resistenya.

Mga Gamot na Immunomodulator - Ang mga gamot na ito ay nagpapalakas ng immune system upang tulungang pigilan ang hepatitis B na virus. Ang mga ito ay binibigay bilang mga iniksyon sa loob ng 6 na buwan hanggang 1 taon. Kabilang sa mga pinakakaraniwang inirereseta ang interferon alfa-2b (Intron A) at pegylated interferon (Pegasys). Ito lamang ang inirerekomendang paggamot para sa mga pasyenteng may magkasabay na impeksyon ng hepatitis delta.

Nagbibigay ba ng “lunas” ang mga gamot na ito para sa talamak na hepatitis B?

Bagama’t hindi sila nagbibigay ng kumpletong lunas, ang mga kasalukuyang medikasyon ay nagpapabagal ng virus at nagpapababa ng panganib ng mas malubhang sakit sa atay sa kalaunan. Nagreresulta ito sa mga pasyenteng bumubuti ang pakiramdam sa loob ng ilang buwan dahil ang pinsala sa atay mula sa virus ay napabagal, o nabaliktad pa sa ilang mga kaso, kapag iniinom nang pangmatagalan. Hindi layunin na ihinto at simulan ang mga panlaban sa virus, kung kaya’t ang pagsusuri ng isang doktor na may sapat na kaalaman ay napakahalaga bago magsimula ng paggagamot para sa talamak na HBV.


Kung mayroon akong talamak na hepatitis B na impeksyon, dapat ba na mayroon akong medikasyon?
Mahalagang maunawaan na hindi lahat ng taong may talamak na hepatitis B ay nangangailangan ng medikasyon. Dapat kausapin mo ang iyong doktor kung ikaw ay isang magandang kandidato para sa terapiyang gamot. Magpasya ka man at ang iyong doktor na dapat magsimula ng paggagamot o hindi, kailangan mong magpatingin nang regular sa isang espesyalista sa atay o doktor na may sapat na kaalaman tungkol sa hepatitis B.


Ligtas bang uminom ng mga erbal na gamot o suplemento para sa aking hepatitis B na impeksyon?
Maraming tao ang interesado sa paggamit ng mga erbal na gamot o suplemento upang palakasin ang kanilang mga immune system at tulungan ang kanilang mga atay. Ang problema ay walang regulasyon ng mga kumpanyang gumagawa ng mga produktong ito, na nangangahulugan na walang mahigpit na mga pagsubok ng kaligtasan o kadalisayan. Kaya, ang kalidad ng erbal na gamot o suplementong bitamina ay maaaring magkaiba depende sa bote.

agdag pa, ang ilang mga erbal na gamot ay maaaring makasagabal sa iyong iniresetang mga gamot para sa hepatitis B o iba pang mga kondisyon; ang ilan ay maaari pang makapinsala sa iyong atay. Ang mga erbal na gamot na ito ay hindi makalulunas ng iyong talamak na hepatitis B na impeksyon.

Maraming mga kompanya na gumagawa ng mga bulaang pangako sa Internet at sa pamamagitan ng social media tungkol sa kanilang mga produkto. Ang mga pahayag online at testimonya ng mga pasyente sa Facebook ay huwad at ginagamit upang lansihin ang mga tao sa pagbili ng mamahaling mga erbal na gamot at suplemento. Tandaan, kung mukhang masyadong maganda para maging totoo, malamang hindi totoo.

Sa ibaba ay maaasahang mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga damong-gamot at alternatibong gamot. Ang impormasyong ito ay batay sa siyentipikong ebidensya, hindi mga bulaang pangako. Tingnan kung ang mga aktibong sangkap sa iyong mga erbal na gamot o suplemento ay totoo at ligtas para sa iyong atay. Ang pinakamahalagang bagay ay protektahan ang iyong atay mula sa anumang mga karagdagang pinsala o panganib.


Ano ang mga payo para sa malusog na atay ang mayroon para sa mga namumuhay nang may talamak na hepatitis B?
Ang mga taong namumuhay nang may talamak na hepatitis B na impeksyon ay maaaring nangangailangan o hindi nangangailangan ng paggagamot gamit ang gamot. Ngunit maraming iba pang mga bagay na magagawa ang mga pasyente upang protektahan ang kanilang atay at mapabuti ang kanilang kalusugan. Sa ibaba makikita ang aming listahan ng nangungunang 10 pagpipilian para sa kalusugan na masisimulan ngayon!

  • Magtakda ng regular na mga pagbisita sa iyong espesyalista sa atay o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang manatiling may pamamahala sa iyong kalusugan at kalusugan ng iyong atay.
  • Kumuha ng bakuna sa hepatitis A at protektahan ang iyong sarili mula sa iba pang virus na umaatake ng atay.
  • Umiwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo dahil pareho itong nakapipinsala sa iyong atay, na napinsala na ng hepatitis B na virus.
  • Kausapin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago magsimula ng anumang mga erbal na gamot o suplementong bitamina dahil ang ilan ay maaaring makasagabal sa iyong mga iniresetang gamot para sa hepatitis B o makapinsala ng iyong atay.
  • Itanong sa iyong parmasyutiko ang tungkol sa anumang nabibiling mga gamot (hal. acetaminophen, paracetamol) o mga gamot na hindi inireseta para sa hepatitis B bago sila inumin upang masiguro na sila ay ligtas para sa iyong atay dahil marami sa mga gamot na ito ay pinoproseso sa iyong atay. 
  • Iwasang lumanghap ng mga singaw mula sa pintura, mga thinner ng pintura, pandikit, mga produktong panlinis ng bahay, pantanggal ng pangkulay sa kuko, at iba pang mga potensyal na nakakalasong kemikal na maaaring makapinsala sa iyong atay.
  • Kumain ng masustansyang pagkain na prutas, buong butil, isda, karneng walang taba, at maraming gulay. Ang mga “cruciferous na gulay” sa partikular -- reployo, broccoli, cauliflower – ay nakikitang tumutulong na protektahan ang atay laban sa mga kemikal sa paligiran.
  • Umiwas sa pagkain ng hilaw o hindi lubos na lutong molusko (hal. mga kabibe, tahong, talaba) dahil maaari silang nahawaan ng bakterya na tinatawag na Vibrio vulnificus, na lubhang nakakalason sa atay at maaaring magsanhi ng malaking pinsala.
  • Tingnan ang mga palatandaan ng amag sa mga mani, mais, batad, at dawa bago gamitin ang mga pagkaing ito. Ang amag ay malamang na nagiging problema kung ang pagkain ay tinatabi sa mamasa-masang kondisyon at hindi maayos ang pagkaselyo. Kung mayroong amag, ang pagkain ay maaaring kontaminado ng “aflatoxins”, na kilalang salik ng panganib ng kanser sa atay.
  • Bawasan ang iyong antas ng stress sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, regular na pag-ehersisyo, at pagpapahinga nang mabuti.
  • Tandaan na lahat ng iyong kinakain, iniinom, hinihinga, o nasisipsip sa pamamagitan ng balat ay kalaunang sinasala ng atay. Kaya protektahan ang iyong atay at iyong kalusugan!

 

Maaari ba akong mag-abuloy ng dugo kung ako ay may hepatitis B?
Hindi. Ang bangko ng dugo ay hindi tumatanggap ng anumang dugo na nalantad sa hepatitis B, kahit na gumaling ka mula sa malubhang impeksyon.

Living with Hepatitis B

Will I recover from a hepatitis B infection?
Most healthy adults who are newly infected will recover without any problems. But babies and young children may not be able to successfully get rid of the virus.

Adults – 90% of healthy adults will get rid of the virus and recover without any problems; 10% will develop chronic hepatitis B. 
Young Children – Up to 50% of young children between 1 and 5 years who are infected will develop a chronic hepatitis B infection.
Infants – 90% will become chronically infected; only 10% will be able to get rid of the virus.


What is the difference between an "acute" and a "chronic" hepatitis B infection?
A hepatitis B infection is considered to be “acute” during the first 6 months after being exposed to the virus. This is the average amount of time it takes to recover from a hepatitis B infection. 
If you still test positive for the hepatitis B virus (HBsAg+) after 6 months, you are considered to have a "chronic" hepatitis B infection, which can last a lifetime.


Will I become sick if I have acute hepatitis B?
Hepatitis B is considered a "silent infection” because it often does not cause any symptoms. Most people feel healthy and do not know they have been infected, which means they can unknowingly pass the virus on to others. Other people may have mild symptoms such as fever, fatigue, joint or muscle pain, or loss of appetite that are mistaken for the flu.

Less common but more serious symptoms include severe nausea and vomiting, yellow eyes and skin (called “jaundice”), and a swollen stomach - these symptoms require immediate medical attention and a person may need to be hospitalized.


How will I know when I have recovered from an "acute" hepatitis B infection?
Once your doctor has confirmed through a blood test that you have gotten rid of the virus from your body and developed the protective antibodies (HBsAb+), you will be protected from any future hepatitis B infection and are no longer contagious to others.


What should I do if I am diagnosed with chronic hepatitis B?
If you test positive for the hepatitis B virus for longer than 6 months, this indicates that you have a chronic hepatitis B infection. You should make an appointment with a hepatologist (liver specialist), gastroenterologist, or family doctor who is familiar with hepatitis B. The doctor will order blood tests and possibly a liver ultrasound to evaluate how active the hepatitis B virus is in your body, and to monitor the health of your liver. Your doctor will probably want to see you at least once or twice a year to monitor your hepatitis B and determine if you would benefit from treatment.
All chronically infected people should be seen by their doctor at least once a year (or more frequently) for regular medical follow-up care, whether they start treatment or not. Even if the virus is in a less active phase with little or no damage occurring, this can change with time, which is why regular monitoring is so important.

Most people chronically infected with hepatitis B can expect to live long, healthy lives. Once you are diagnosed with chronic hepatitis B, the virus may stay in your blood and liver for a lifetime. It is important to know that you can pass the virus along to others, even if you don’t feel sick. This is why it’s so important that you make sure that all close household contacts and sex partners are vaccinated against hepatitis B.

What tests will be used to monitor my hepatitis B?
Common tests used by doctors to monitor your hepatitis B include the hepatitis B blood panel, liver function tests (ALT, AST), hepatitis B e-Antigen (HBeAg), hepatitis B e-Antibody (HBeAb), hepatitis B DNA quantification (viral load), and an imaging study of the liver (ultrasound, FibroScan [Transient Elastography] or CT scan).


Is there a cure for chronic hepatitis B?

Right now, there is no cure for chronic hepatitis B, but the good news is there are treatments that can help slow the progression of liver disease in chronically infected persons by slowing down the virus. If there is less hepatitis B virus being produced, then there is less damage being done to the liver. Sometimes these drugs can even get rid of the virus, although this is not common.

With all of the new exciting research, there is great hope that a cure will be found for chronic hepatitis B in the near future. Visit our Drug Watch for a list of other promising drugs in development.


Are there any approved drugs to treat chronic hepatitis B?

Current treatments for hepatitis B fall into two general categories, antivirals and immune modulators:

Antiviral Drugs - These are drugs that slow down or stop the hepatitis B virus, which reduces the inflammation and damage to the liver. These are taken as a pill once a day for at least 1 year, usually longer. There are 6 U.S. FDA approved antivirals, but only three first-line antivirals are recommended treatments: tenofovir disoproxil (Viread/TDF), tenofovir alafenamide (Vemlidy/TAF) and Entecavir (Baraclude). First-line antivirals are recommended because they are safer and most effective. They also have a better resistance profile than older antivirals, which means that when they are taken as prescribed, there is less chance of mutation and resistance. Building resistance makes it harder to treat and control the virus.

Immunomodulator Drugs - These are drugs that boost the immune system to help control the hepatitis B virus. They are given as injections over 6 months to 1 year. The most commonly prescribed include interferon alfa-2b (Intron A) and pegylated interferon (Pegasys). This is the only recommended treatment for patients coinfected with hepatitis delta.

Do these drugs provide a “cure” for chronic hepatitis B?

Although they do not provide a complete cure, current medications will slow down the virus and decrease the risk of more serious liver disease later in life. This results in patients feeling better within a few months because liver damage from the virus is slowed down, or even reversed in some cases, when taken long-term. Antivirals are not meant to be stopped and started, which is why a thorough evaluation by a knowledgeable doctor is so important before beginning treatment for chronic HBV.


If I have a chronic hepatitis B infection, should I be on medication?
It is important to understand that not every person with chronic hepatitis B needs to be on medication. You should talk to your doctor about whether you are a good candidate for drug therapy. Whether you and your doctor decide you should start treatment or not, you should be seen regularly by a liver specialist or a doctor knowledgeable about hepatitis B.


Is it safe to take herbal remedies or supplements for my hepatitis B infection?
Many people are interested in using herbal remedies or supplements to boost their immune systems and help their livers. The problem is that there is no regulation of companies manufacturing these produces, which means there is no rigorous testing for safety or purity. So, the quality of the herbal remedy or vitamin supplement may be different from bottle to bottle. Also, some herbal remedies could interfere with your prescription drugs for hepatitis B or other conditions; some can even actually damage your liver. These herbal remedies will not cure a chronic hepatitis B infection.

There are many companies that make false promises on the Internet and through social media about their products. Online claims and patient testimonials on Facebook are fake and are used to trick people into buying expensive herbal remedies and supplements. Remember, if it sounds too good to be true, then it’s probably not true.

Below are reliable sources of information about herbs and alternative medicines. This information is based on scientific evidence, not false promises. Check whether the active ingredients in your herbal remedies or supplements are real and safe for your liver. The most important thing is to protect your liver from any additional injury or harm.


What healthy liver tips are there for those living with chronic hepatitis B?
People living with chronic hepatitis B infection may or may not need drug treatment. But there are many other things patients can do to protect their liver and improve their health. Below is our list of the top 10 healthy choices that can be started today!

  • Schedule regular visits with your liver specialist or health care provider to stay on top of your health and the health of your liver.
  • Get the Hepatitis A vaccine to protect yourself from another virus that attacks the liver.
  • Avoid drinking alcohol and smoking since both will hurt your liver, which is already being injured by the hepatitis B virus.
  • Talk to your provider before starting any herbal remedies or vitamin supplements because some could interfere with your prescribed hepatitis B drugs or even damage your liver.
  • Check with your pharmacist about any over-the-counter drugs (e.g. acetaminophen, paracetamol) or non-hepatitis B prescription drugs before taking them to make sure they are safe for your liver since many of these drugs are processed through your liver. 
  • Avoid inhaling fumes from paint, paint thinners, glue, household cleaning products, nail polish removers, and other potentially toxic chemicals that could damage your liver. 
  • Eat a healthy diet of fruit, whole grains, fish and lean meats, and lot of vegetables. “Cruciferous vegetables” in particular -- cabbage, broccoli, cauliflower -- have been shown to help protect the liver against environmental chemicals. 
  • Avoid eating raw or undercooked shellfish (e.g. clams, mussels, oysters, scallops) because they could be contaminated with bacteria called Vibrio vulnificus, which is very toxic to the liver and could cause a lot of damage.
  • Check for signs of mold on nuts, maize, corn, groundnut, sorghum, and millet before using these foods. Mold is more likely to be a problem if food is stored in damp conditions and not properly sealed. If there is mold, then the food could be contaminated by “aflatoxins,” which are a known risk factor for liver cancer.
  • Reduce your stress levels by eating healthy foods, exercising regularly, and getting plenty of rest. 
  • Keep in mind everything you eat, drink, breathe, or absorb through the skin is eventually filtered by the liver. So, protect your liver and your health!


Can I donate blood if I have hepatitis B?
 
No. The blood bank will not accept any blood that has been exposed to hepatitis B, even if you have recovered from an acute infection.