Maligayang Pagdating sa Tagalog na Kabanata ng Hepatitis B Foundation Website

Ang hepatitis B ay kilala bilang isang tahimik na sakit, at karamihan sa mga tao ay hindi alam na sila ay nahawahan. Ang website na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagpigil, pagsuri at pangangasiwa ng hepatitis B. Hinihimok ka namin na ibahagi ang impormasyong ito sa iyong mga kaibigan, pamilya at iba pa sa inyong komunidad. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan tungkol sa hepatitis B:

  • Ang hepatitis B ay hindi namamana – ito ay sanhi ng virus. 

  • Mayroong ligtas na bakuna na magpoprotekta sa iyo mula sa hepatitis B nang panghabang buhay. 

  • Mayroong simpleng pagsusuri sa dugo upang matukoy ang hepatitis B. 

  • Mayroong mga opsyon sa paggagamot.

Ang hepatitis B ay Isang Pandaigdigang Sakit
Maaaring mahawa ng hepatitis B ang sinumang tao sa anumang edad o etnisidad, ngunit ang mga tao mula sa mga bahagi ng mundo kung saan karaniwan ang hepatitis B, tulad ng Asya, mga bahagi ng Aprika at Timog Amerika, Silangang Europa, at Gitnang Silangan, ay may mas mataas na panganib na mahawahan. Karaniwan din ang hepatitis B sa mga Amerikanong ipinanganak (o ang mga magulang ay ipinanganak) sa mga rehiyong ito.

Daan-daang milyong tao sa buong mundo ang may hepatitis B. Karamihan sa mga tao ay hindi alam na sila ay nahawahan, at walang mga sintomas – ngunit maraming mahahalagang bagay ang dapat mong malaman. Ang pagpapasuri para sa hepatitis B ay makakapagligtas ng iyong buhay. Kung alam mong mayroon kang hepatitis B, maaari kang gumawa ng mga pasya sa pamumuhay upang mapanatiling malusog ang iyong atay at maaari ka ring magpatingin sa doktor upang matulungang pangasiwaan ang virus at maiwasan ang pinsala sa atay.

Ang Hepatitis B Foundation ay isang pambansang hindi-pangkalakal na organisasyon na nakatuon sa paghahanap ng lunas at tumutulong na mapabuti ang kalidad ng buhay para sa lahat na apektado ng hepatitis B sa buong mundo sa pamamagitan ng pananaliksik, edukasyon at pagtataguyod ng pasyente.

Pagtatatwa: Ang impormasyong ibinigay sa website na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang. Ang Hepatitis B Foundation ay hindi isang medikal na organisasyon. Mangyaring kausapin ang iyong doktor o ang isang k’walipikadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa personal na medikal na pangangalaga at payo.

Welcome to the Tagalog Chapter of the Hepatitis B Foundation Website

Hepatitis B is known as a silent disease, and most people don’t even know they are infected. This website contains information about preventing, diagnosing and managing hepatitis B. We encourage you to share this information with your friends, family and others in your community. Here are some important things to remember about hepatitis B:

  • Hepatitis B is not inherited - it is caused by a virus. 

  • There is a safe vaccine which will protect you from hepatitis B for life. 

  • There is a simple blood test to diagnose hepatitis B. 

  • There are treatment options.

Hepatitis B is a Global Disease
Hepatitis B can infect any person of any age or ethnicity, but people from parts of the world where hepatitis B is common, such as Asia, parts of Africa and South America, Eastern Europe, and the Middle East, are at much higher risk for getting infected. Hepatitis B is also common among Americans who were born (or whose parents were born) in these regions.

There are hundreds of millions of people worldwide who have hepatitis B. Most people don’t even know they are infected, and don’t have symptoms – but there are many important things you should know. Getting tested for hepatitis B can save your life. If you know you have hepatitis B, you can make lifestyle choices to keep your liver healthy and you can see a doctor to help manage the virus and prevent liver damage.

The Hepatitis B Foundation is a national nonprofit organization dedicated to finding a cure and helping to improve the quality of life for all those affected by hepatitis B worldwide through research, education and patient advocacy.

Disclaimer: The information that is provided on this website is for educational purposes only. The Hepatitis B Foundation is not a medical organization. Please talk to your doctor or a qualified health care provider for personal medical care and advice.