Pagbubuntis & Hepatitis B 


Dapat ba akong magpasuri para sa hepatitis B kung ako ay buntis?

Oo, LAHAT ng buntis na babae ay dapat masuri para sa hepatitis B! Kung ikaw ay buntis, siguruhing magpasuri sa iyong doktor para sa hepatitis B bago ipanganak ang iyong sanggol.


Bakit napakahalaga ng mga pagsusuring ito para sa mga buntis na babae?
Kung ikaw ay nasuri na positibo sa hepatitis B at nagbubuntis, ang virus ay maaaring maipasa sa iyong bagong panganak na sanggol sa panahon ng iyong pagbubuntis at sa panganganak. Kung alam ng iyong doktor na ikaw ay may hepatitis B, makapaghahanda sya ng angkop na medikasyon sa silid ng panganganak upang maiwasang mahawa ang iyong sanggol. Kung ang mga angkop na pamamaraan ay hindi nasunod, ang iyong sanggol ay may 95% pagkakataon na magkaroon ng talamak na hepatitis B!


Maaapektuhan ba ng hepatitis B ang aking pagbubuntis?
Ang hepatitis B na impeksyon ay dapat hindi magsanhi ng anumang mga problema para sa iyo o sa iyong hindi pa ipinapanganak na sanggol sa panahon ng iyong pagbubuntis. Mahalagang malaman ng iyong doktor ang iyong hepatitis B na impeksyon upang masubaybayan niya ang iyong kalusugan at maprotektahan ang iyong sanggol mula sa impeksyon matapos siyang maipanganak.

Kung buntis ako at may hepatitis B, paano ko mapoprotektahan ang aking sanggol?

Kung nasuri kang positibo sa hepatitis B, dapat ka ring ipasuri ng iyong doktor para sa hepatitis B e-antigen (HBeAg), at kung positibo, dapat ka ring sumailalim sa pagsusuri sa dami ng hepatitis B na virus sa dugo (HBV DNA quantification). Sa ilang mga kaso, maaaring magpakita ng napakataas na dami ng virus ang mga resulta ng pagsusuri sa laboratoryo. Sa mga kasong ito, maaaring irekomenda ng iyong doktor na uminom ka ng gamot na panlaban sa virus sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis, kung kailan ligtas na uminom upang mabawasan ang panganib ng paghawa sa iyong bagong silang pagkapanganak.

Kung nasuri kang positibo sa hepatitis B, ang iyong bagong silang ay dapat bigyan kaagad ng dalawang dosis sa silid ng panganganak:

  • Unang dosis ng bakuna sa hepatitis B 
  • Isang dosis ng hepatitis B immune globulin (HBIG)

Kung ang dalawang medikasyon na ito ay ibinigay nang wasto sa loob ng unang 12 oras ng buhay, ang bagong silang ay may higit sa 90% pagkakataon na maging protektado laban sa pang-habang buhay na hepatitis B na impeksyon.

Dapat mong siguruhin na matanggap ng iyong sanggol ang natitirang 2-3 dosis ng bakuna sa hepatitis B ayon sa iskedyul. Lahat ng dosis ay dapat kumpleto upang ang iyong sanggol ay ganap na protektado laban sa hepatitis B. Mahalaga rin na ang sanggol na ipinanganak ng inang positibo sa HBV ay tumanggap ng pagsusuri sa dugo pagkatapos ng pagbabakuna sa 9-12 buwan upang kumpirmahin na ang sanggol ay protektado laban sa HBV at hindi nahawa. Kabilang sa mga pagsusuri ang HBsAg at anti-HBs titer na pagsusuri.

Walang pangalawang pagkakataon upang protektahan ang iyong bagong silang na sanggol!


Pagbabakuna sa labas ng Estados Unidos
Sa maraming mga bansa, ang bakunang limahan (pentavalent), isang kombinasyon ng 5-sa-isa na bakuna na nagpoprotekta laban sa limang sakit (diphtheria, pertussis, tetanus, Hib at hepatitis B) ay maaaring ibigay sa mga sanggol na higit sa 6 linggong gulang, at maaaring ibigay ng hanggang 1 taong gulang. Ang unang dosis ay ibinibigay sa 6 linggo, at ang pangalawa at ikatlong mga dosis ay ibinibigay sa edad 10 at 14 linggo. Ang limahang bakuna ay maaaring makuha nang walang bayad sa pamamagitan ng suporta ng Gavi, ang Vaccine Alliance. Tingnan ang sentro ng Gavi sa bansa upang makita ang mga mapagkukunan at imunisasyon na maaaring makuha: http://www.gavi.org/country/ 

Para sa mga sanggol na ipinanganak ng mga inang may hepatitis B, ang paghihintay para sa unang dosis ng limahang bakuna ay huli na at HINDI na poprotekta sa sanggol mula sa pagkahawa sa pagpanganak o sa loob ng unang anim na linggo ng buhay. Ang babaeng positibo sa hepatitis B ay malamang na maipasa ang virus sa kanyang sanggol, na talamak na ang maiipasa.

Inirerekomenda ng WHO ang bakuna sa hepatitis B sa loob ng 24 oras pagkapanganak para sa LAHAT ng mga sanggol. Magplano nang maaga at magtanong tungkol sa pagkakaroon at gastos ng isahan (monovalent) na dosis ng bakuna pagkapanganak, dahil hindi ito ibinibigay sa imunisasyon ng Gavi. Partikular na mahalaga ito sa mga babaeng positibo sa hepatitis B.

Kung hindi ka sigurado sa katayuan ng iyong hepatitis B, mangyaring siguruhing magpasuri para sa hepatitis B sa iyong doktor!

Para sa mga sanggol na HINDI tumanggap ng limahang bakuna, ang unang dosis ng isahan na bakuna ng HBV ay dapat ibigay sa loob ng 12 oras ng pagkapanganak, na sinundan ng natitirang 2-3 dosis ng bakuna sa hepatitis B ayon sa iskedyul.

Para sa mga sanggol na tumanggap ng limahang bakuna, ang unang isahang dosis ng hepatitis B na bakuna ay binibigay sa loob ng 12 oras ng pagkapanganak, at ang pangalawa at pangatlong mga dosis ng HBV na bakuna ay kasama sa dosis 1 at dosis 2 ng limahang bakuna.

*Tandaan: Inirerekomenda ng CDC ang parehong unang dosis ng HBV na bakuna at HBIG sa loob ng 12 oras ng panganganak. Ang HBIG ay maaaring hindi makukuha sa lahat ng mga bansa.


Kailangan ko ba ng paggamot sa panahon ng aking pagbubuntis?
Ang hepatitis B na impeksyon ay dapat hindi magsanhi ng anumang mga problema para sa iyo o sa iyong hindi pa ipinapanganak na sanggol sa panahon ng iyong pagbubuntis. Mahalagang malaman ng iyong doktor ang iyong hepatitis B na impeksyon upang masubaybayan niya ang iyong kalusugan at maprotektahan ang iyong sanggol mula sa impeksyon matapos siyang maipanganak. Kung nakatira ka sa labas ng U.S. at hindi sigurado sa katayuan ng iyong hepatitis B, mangyaring magpasuri sa iyong doktor para sa hepatitis B.

Ang kabiguan ng dosis ng bakuna sa HBV pagkapanganak at HBIG ay maaaring mangyari sa mga babaeng positibo sa HbeAg at mayroong napakataas na dami ng virus, na nagdulot ng pagpasa ng hepatitis B sa iyong sanggol.

Lahat ng mga babaeng nasuri na may hepatitis B sa pagbubuntis ay dapat isangguni para sa kasunod na pangangalaga sa doktor na may kasanayan sa pangangasiwa ng hepatitis B na impeksyon. Dapat isasagawa ng iyong doktor ang karagdagang mga pagsusuri sa laboratoryo, kabilang ang hepatitis B e-antigen, antas ng DNA ng HBV DNA, at mga pagsusuri sa paggana ng atay (ALT).

Ang antas ng virus na higit sa 200,000 IU/mL o 1 million cp/ml ay nagpapahiwatig ng antas kung saan ang kombinasyong dosis ng bakuna pagkapanganak at HBIG ay nabigo. Ang terapiya na unang-linya na panlaban sa virus gamit ang tenofovir ay maaaring irekomenda upang mapababa ang dami ng virus bago manganak. Ang Tenofovir ay nakikitang ligtas sa parehong panahon ng pagbubuntis at para sa nagpapasusong mga ina. Sa mga kaso kung saan ang tenofovir ay hindi epektibo, ang mga doktor ay maaaring magreseta ng telbivudine o lamivudine. Ang paggamot na panlaban sa virus ay magsisimula sa 28-32 linggo at magpapatuloy nang 3 buwan pagkapanganak.


Kailangan ko ba ng panggamot pagkatapos ng aking pagbubuntis?
Kung ikaw ay niresetahan ng mga panlaban sa virus sa panahon ng pagbubuntis, dapat subaybayan ang iyong ALT (SGPT) bawat 3 buwan nang 6 na buwan. Matutulungan nitong tukuyin kung dapat bang ipatuloy ang paggamot na panlaban sa virus. Mangyaring huwag itigil ang iyong medikayson na panlaban sa virus maliban kung sasabihin ng iyong doktor, batay sa mga resulta ng pagsusuri. Para sa karamihan ng mga babaeng ang kasunod na pagsusuri ay nagpapakita ng walang palatandaan ng aktibong sakit, irerekomenda ng doktor ang regular na pagsubaybay sa isang espesyalista sa atay.

Sa lahat ng kaso, napakahalaga na alam ng iyong obstetrisyan at pedyatrisyan ng iyong bagong silang ang katayuan ng iyong hepatitis B upang masiguro na matanggap ng iyong bagong silang ang wastong mga bakuna pagkapanganak upang maiwasan ang pang-habang buhay na hepatitis B na impeksyon, at upang matanggap mo ang naaangkop na kasunod na pangangalaga.


Maaari ba akong magpasuso sa aking sanggol kung ako ay may hepatitis B?
Nalalamangan ng pakinabang ng pagpapasuso ang potensyal na panganib ng impeksyon, na napakaliit. Dagdag pa, dahil inirerekomenda na lahat ng mga sanggol ay bakunahan laban sa hepatitis B pagkapanganak, anumang potensyal na panganib ay lalong pinababa. Mayroong datos na nagpapakita na ang tenofovir, na maaaring ireseta upang pangasiwaan ang hepatitis B, ay ligtas para sa nagpapasusong mga babae.

Pregnancy and Hepatitis B 

Should I be tested for hepatitis B if I am pregnant?
Yes, ALL pregnant women should be tested for hepatitis B! If you are pregnant, be sure your doctor tests you for hepatitis B before your baby is born.


Why are these tests so important for pregnant women?
If you test positive for hepatitis B and are pregnant, the virus can be passed on to your newborn baby during your pregnancy or during delivery. If your doctor is aware that you have hepatitis B, he or she can make arrangements to have the proper medications in the delivery room to prevent your baby from being infected. If the proper procedures are not followed, your baby has a 95% chance of developing chronic hepatitis B!


Will a hepatitis B infection affect my pregnancy?
A hepatitis B infection should not cause any problems for you or your unborn baby during your pregnancy. It is important for your doctor to be aware of your hepatitis B infection so that he or she can monitor your health and so your baby can be protected from an infection after it is born.


If I am pregnant and have hepatitis B, how can I protect my baby?
If you test positive for hepatitis B, your doctor should also test you for the hepatitis B e-antigen (HBeAg), and if positive, you should have a hepatitis B viral load blood test (HBV DNA quantification). In some cases, the laboratory test results may show a very high viral load. In these cases, your physician may recommend that you take an oral antiviral drug in the third trimester, which is safe to take to reduce the risk of infecting your newborn at birth. 
If you test positive for hepatitis B, then your newborn must be given two shots immediately in the delivery room:

First dose of the hepatitis B vaccine 
One dose of hepatitis B immune globulin (HBIG)

If these two medications are given correctly within the first 12 hours of life, a newborn has more than a 90% chance of being protected against a lifelong hepatitis B infection.

You must make sure your baby receives the remaining 2-3 doses of the hepatitis B vaccine according to schedule. All doses must be completed in order for your infant to be fully protected against hepatitis B. It is also important that a baby born to an HBV-positive mother receive post-vaccination serologic testing at 9-12 months to confirm the baby is protected against HBV and is not infected. Tests include the HBsAg and anti-HBs titer test.

There is no second chance to protect your newborn baby!


Vaccination Outside the United States
In many countries, the pentavalent vaccine, a combination 5-in-one vaccine that protects against five diseases (diphtheria, pertussis, tetanus, Hib and hepatitis B) may be given to babies more than 6 weeks of age and can be given up to 1 year of age. The first dose is given at 6 weeks, and the second and third doses are given at 10 and 14 weeks of age. The pentavalent vaccine may be made available free of charge with the support of Gavi, the Vaccine Alliance. Check the Gavi country hub to see the resources and immunizations that may be available: http://www.gavi.org/country/.

For babies born to mothers with hepatitis B, waiting for the first dose of the pentavalent vaccine is too late and will NOT protect the baby from becoming infected during birth or within the first six weeks of life. A woman who is hepatitis B positive is likely to pass the virus on to her baby, who will then be chronically infected. 
WHO recommends the hepatitis B vaccine within 24 hours of birth for ALL babies. Plan ahead and inquire about the availability and cost of the monovalent (single), birth dose of the vaccine, as it is not a Gavi provided immunization. This is particularly important to women who are positive for hepatitis B.

If you are unsure of your hepatitis B status, please be sure your doctor tests you for hepatitis B!

For babies NOT receiving the pentavalent vaccine, the first dose of the monovalent, HBV vaccine must be given within 12 hours of birth, followed by the remaining 2-3 doses of the hepatitis B vaccine according to schedule.

For babies receiving the pentavalent vaccine, the first, monovalent dose of the hepatitis B vaccine is given within 12 hours of birth, and the second and third doses of the HBV vaccine will be included in dose 1 and dose 2 of the pentavalent vaccine.

*Note: CDC recommends both the first shot of the HBV vaccine and HBIG within 12 hours of birth. HBIG may not be available in all countries.


Do I need treatment during my pregnancy?
A hepatitis B infection should not cause any problems for you or your unborn baby during your pregnancy. It is important for your doctor to be aware of your hepatitis B infection so that he or she can monitor your health and so your baby can be protected from an infection after it is born. If you live outside of the U.S. and are unsure of your hepatitis B status, please ask your doctor to test you for hepatitis B.

Failure of the birth dose of the HBV vaccine and HBIG may occur in women who are HBeAg positive and have a very high viral load, allowing for the transmission of hepatitis B to your baby.
All women who are diagnosed with hepatitis B in pregnancy should be referred for follow up care with a physician skilled at managing hepatitis B infection. Your physician should perform additional laboratory testing, including hepatitis B e-antigen, HBV DNA level, and liver function tests (ALT).

A virus level greater than 200,000 IU/mL or 1 million cp/ml indicates a level where the combination of the birth dose of the vaccine and HBIG may fail. First-line, antiviral therapy with tenofovir may be recommended to reduce the viral load prior to birth. Tenofovir has been shown to be safe both during pregnancy and for breastfeeding mothers. In cases where tenofovir is not effective, doctors may prescribe telbivudine or lamivudine. Antiviral treatment begins at 28-32 weeks and continues 3 months postpartum.


Do I need treatment after my pregnancy? 
If you are prescribed antivirals during pregnancy, you should have your ALT (SGPT) monitored every 3 months for 6 months. This will help determine if you should continue antiviral treatment. Please do not discontinue your antiviral medication unless the doctor advises you to, based upon test results. For most women whose follow up testing shows no signs of active disease, your physician will recommend regular monitoring with a liver specialist. 
In all cases, it is very important that your obstetrician and your newborn’s pediatrician, are aware of your hepatitis B status to ensure that your newborn receives the proper vaccines at birth to prevent a lifelong hepatitis B infection, and that you receive appropriate follow up care.


Can I breastfeed my baby if I have hepatitis B?
The benefits of breastfeeding outweigh the potential risk of infection, which is minimal. In addition, since it is recommended that all infants be vaccinated against hepatitis B at birth, any potential risk is further reduced. There is data that shows that tenofovir, which may be prescribed to manage hepatitis B, is safe for breastfeeding women.